Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Militar, NPA 4 beses nagsagupaan sa Quezon

0 172

Apat na beses nagkasagupa ang Armed Forces of the Philippines at mga rebeldeng New People’s Army sa lalawigan ng Quezon noong Linggo.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, naganap ang isang sagupaan sa bayan ng General Nakar habang ang tatlo ay sa bayan ng Macalelon.

Sa report, nagpapatrulya ang isang platoon ng Philippine Army mula sa 80thIB nang makaengkuwentro ang nasa pitong NPA sa Barangay Pagsangahan, Gen Nakar alas-9:00 ng umaga.

Tumagal ng kalahating oras ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde.

Nakarekober ang mga militar ng mga pampasabog at personal na gamit ng mga NPA.

Wala namang naiulat na nasawi.

Sa Bayan ng Macalelon, tatlong beses nagpang-abot ang mga miyembro ng 85th IB ng Army at 20 miyembro ng NPA na pinamumunuan ng isang Cecilia Mondia alyas Ka Mitch sa mga barangay ng Olongtao Ilaya, at San Nicolas.

Naiwan ng mga tumakas na NPA ang mga pampasabog, backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.