Abante Tonite Interactive

Military salary ni Im Siwan inambag sa iskul

271

Mas lalong napa­hanga ni Im Siwan ang mga tagahanga niya. Si Im Siwan ay member ng boy band na ZE:A at kaka-discharge mula sa military noong March 27.

May source mula sa agency ni Im Siwan na Plum Entertainment.

“It is true that Im Siwan donated his entire military salary to an elementary school,” saad nito.

Ilang araw pagkatapos ng discharge niya ginawa ni Im Siwan ang donation. Bukod sa kanyang military salary, nag-donate rin daw ito ng personal money sa Hyochon Elementary School in Yangju, Gyeonggi Province.

Sabi ng source, “While Im Siwan was in the army, he volunteered at the school and helped the students with subjects like math. He must have grown very attached to the kids. He had talked about wanting to use his military salary in a meaningful way, and he made the decision to donate it to the school. We don’t know the exact amount, but from what we know, he donated his salary and added some of his personal money as well.”

Nagbigay rin ito ng 20 million won (approximately $17,600) sa Hope Bridge – Korea Disaster Relief Association noong April 5 dahil sa Gangwon Province fires.

Ang donation daw nito ay makakatulong para mag-provide ng emergency resources and cover reconstruction fees.

Posibleng mapanood si Im Siwan sa kinokonsider nitong Korean film, ang “Boston 1947.” Sisimulan na rin niya ang OCN drama na “Strangers from Hell.”