Abante Tonite Interactive

Military services ni Ji Chang Wook tapos na

259

tonite-annyeong-rose-garcia

Isang South Korean actor pa ang na-discharge mula sa mandatory military service. Ito ay si Ji Chang Wook.

Hindi pa rin daw nagsi-sink in kay Chang Wook na nakalabas na nga siya at nakatapos na sa kanyang enlistment.

Ayon dito, “It still hasn’t hit me, so I don’t quite feel like I’ve been discharged yet. I think it may finally sink in tomorrow or so.”

Habang nasa military ay lumabas siya sa musical play. Ito’y ang Shinheung Musical Play. Isa raw ito sa ipinagpapasalamat niya, lalo na sa kanyang mga co-star.

“Through our musical, I ended up performing with Kang Ha Neul for the first time in almost 10 years.

“I also became close with [INFINITE’s] Sunggyu while performing in the musical, as well as with [SHINee’s] Onew, actor Kim Min Ho, and musical actor Go Eun Sung. They were all a huge help to me.

“To be honest, it was because of those friends that I was able to spend my military life meaningfully and comfor­tably. I was really grateful to all of them.”

Natawa naman ito nang tanungin kung ano ang gusto niyang gawin ngayon that he’s already out.

“Me? I just want to eat a delicious meal.”

Balitang may naka-lineup na gagawin ito, ang space drama na “City of Stars” as well as tvN’s upcoming romantic comedy “Please Melt Me.”

Nagpasalamat naman ito sa mga fan na talagang naghintay at sumalubong sa kanya.

Ayon sa actor, “I feel nervous greeting you for the first time in in a long while. I’ve finally been discharged, and I will greet you again with good things and even better projects in the future. Please look forward to it a lot. Thank you.”

Park Hyung Sik naka-take 27

Umabot ng 27 takes si Park Hyung Sik sa isang eksena niya sa pelikulang “Juror 8”. Ninerbyos daw siya.

Ang naturang movie ay magpi-premiere sa May 15 sa Korea.

Sabi ni Hyung Sik sa interview niya sa Entertainment Weekly, “I’m making my big screen debut through the film ‘Juror 8.’ I was so nervous that I had to do 27 takes of just one scene.”

Pinili raw talaga ni Hyung Sik ang film noir na genre sa pelikula. Ang film noir ay isang cinematic term na nag­lalarawan ng stylish Hollywood crime drama.

“I thought I’d be able to utilize my friendly appearance. (If I were to shoot a film noir) I don’t look like it, but there can be a surprising turn of events.”

Wendy nainggit kina Kim Min Kyo, Chae Ji An

Nag-open-up ang isa sa miyembro ng “Red Velvet” na si Wendy. Ito’y tungkol sa kanyang lovelife o sa kawalan nito.

Special guest si Wendy sa programang “Love Me Actually” which is avid viewer raw siya.

“I was curious to find out what kinds of things would happen at the ‘Love Me Actually’ gathering, so I came to see for myself.”

Umpisa pa lang ng show at habang pinapanood ang footages ng “Love Me Actually” cast, masayang sinabi niya na, “This is fun.”

Naitanong din kay Wendy kung sino ang gusto niya among members. Sey niya, “Seeing the two of them being shy and embarrassed, it made me feel for them a little more.”

Sina Kim Min Kyo at Chae Ji An ang pinili niya.

Inamin ni Wendy na nakakaramdam siya ng inggit sa cast dahil siya raw kasi, bata pa lang ay naging trainee na, hindi raw niya naranasan man lang ang makipag-blind date.

Ang worry nga niya, “What if they don’t like my real self, which is different from the glamorous version of me on TV?”

Sabi pa niya, “When I give my heart to someone, I give them everything.”

Ang message naman ng host na Si Sung Si Kyung, “Whoever ends up winning Wendy’s heart, I hope that you have a great relationship.”