Abante Tonite Interactive

Millennial Slangs 101

7,290

I kennat! – Ginagamit ang ekspresyong ito kapag hindi maipaliwanag ang nararamdam o sobrang emosyon tulad ng galit, pagkamangha, kilig o iba. Halimbawa: “Totoo bang ikakasal sila? I kennat!”

Shookt – Kapag na-shocked ka sa isang pangyayari o impormasyon, pwede mo itong gamitin. Halimbawa: “I was shookt nang makita ko ang bago niyang itsura.”

Charot/Char – Madalas itong ginagamit sa dulo ng pangungusap na intensyong mong magin­g ‘joke’. Halimbawa: “Gumaganda ka ngayon..charot!”

Petmalu – Mula sa binaligtad na salitang ‘malupit’ na nanga­ngahulugan na ‘cool’ o ‘amazing’.

Lodi – “Ang galing mo talaga lodi!” Galin­g ito sa binaligtad na ‘idol’ na tawag na natin sa mga petmalu o kaya hinahangaang tao.

Ilan lang ‘yan sa mga salita na madalas na ma­ririnig sa mga kabataan ngayon, pwedeng ikaw ang maga-adjust para maunawaan at mapa­lapit sa kanila at hayaang­ ang wika ay umunlad sa ganitong paraan o ikaw mismo ay gumawa o umimbento rin ng sarilin­g salit­a na papasikatin.