Abante Tonite Interactive

Miller, Calaguio bibira sa giriang Alaska-SMB

0 290

Rambol ang San Miguel Beer at Alaska Milk para maagang liderato kapag nagtuos sa darating na Linggo, habang sasariwain ng Ginebra San Miguel at Purefoods ang rivalry sa UNTV Cup Philippine Basketball Association Legends Faceoff sa Pasig City Sports Center.

Magsasalpukan ang SMB at AM sa alas-12 nang tanghaling tapat kung saan asinta ng isa’t isa na sundan ang impresibong panalo sa pagbubukas sa nakalipas na Linggo ng isang buwang torneo kung saan tanging benepisyaryo nito ang PBA Legends Foundation.

Hinayag ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon na igagawad ang tax-free P2M sa foundation sa misyon nilang matulungan ang former PBA players na may mga karamdaman at mga nangangaila-ngan ng tulong pinansiyal.

Abante Hiring – IT dep

Sa pasiklab ni two-time PBA MVP Willie Miller na 29 points, nilasing ng Milkmen ang Gin Kings, 90-83, habang sinangkalan ng Beermen ang balanseng atake na pinamumuan ng naka-16 markers na si Christian Jay Calagio upang pulutanin ang Hotdogs, 88-68.

Kailangan nin four-time MVP Alvin Patrimonio na iladlad ang pamatay niyang poma sa loob kung gusto niyang malango ang Ginebra sa ala-1:30 nang hapong engkuwentro. Nakasiyam na puntos lang siya sa unang salang.

Dinagdag ni Razon na walang bayad ang panonood sa mga laro.

Desididong papalagin ang Gins nina Marlou Aquino at Vicente Paul Hizon na mga tumoma ng 24 at 23 pts., ayon sa pagkakasunod. Inaasahang aayuda ang may dalawang taon pa lang na nagretirong si Anthony ‘JayJay’ Helterbrand tapos makaa-nim na puntos lang.