Abante Tonite Interactive

Mills pinaandaran ang mga Amerikano

309

Nag-request si Patty Mills sa San Antonio na kilalanin ang indigenous people at native Americans, pinagbigyan siya ng Spurs sa bisperas ng Martin Luther King.

Naging unang NBA team ang Spurs na naglun­sad ng Indigenous People Night nitong Linggo. Mahalaga ito kay Mills na Australian ang aboriginal descent.

‘Di sinayang ni Mills ang pagkakataon, humarabas sa dulo para tulungan ang San Antonio sa 107-102 panalo kontra Miami Heat.

Giniyahan ng 21 points ni LaMarcus Aldridge ang Spurs.

“It’s an important night and it’s really important to Patty,” ani coach Gregg Popovich. “For the indige­nous people here in Texas it’s important to all of us, but it’s sort of double for him because of his history and his background.”

May 18 points si Mills, nag-ambag si DeMar DeRozan ng 20 points. (Vladi Eduarte)