Abante Tonite Interactive

Milyon nagpanata: Viva El Señor!

0 132

 

Tulad ng mga nakalipas na taon, dinagsa ng milyong deboto ang prusisyon ng Poong Itim na Nazareno.
Mula sa mga nakiisa sa pahalik na ginanap sa Quirino Grandstand ipinakita ng mga nana­nampalataya at nagnanais na makapagpunas ng kanilang panyo sa Poon ang kanilang debosyon.
Dakong alas-5:03 nang madaling-araw nang magsimula ang prusisyon kahapon matapos ang misa na pinangunahan ng mga pari ng Quiapo Church at homily na ibinigay ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Quirino Grandstand.
Kumpara sa nakalipas na taon na inabot ng halos dalawang oras, naging mas mabilis ang daloy ng prusisyon at agad na nakatawid ang andas sa Jones bridge, ngunit naging mabagal muli ito nang makarating sa masisikip na kalsada ng Quiapo.
Pasado alas-otso kagabi ay lumagpas na ang Traslacion sa Arlegui Street.
Katulad ng mga nakalipas na Traslacion, muling nakapagtala ng mga insidente kung saan may mga debotong nahilo, nasugatan o kaya ay nawalan ng malay sa kasagsagan ng prusisyon mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo, Church.
Pero sa pangkalahatan ay na­ging maayos at mapayapa ang Traslacion, batay na rin sa mga awtoridad na masusing nagbantay sa okasyon mula pa noong Enero 7 sa pagbabasbas at prusisyon ng mga replika ng Poong Nazareno sa Quiapo Church.