Abante Tonite Interactive

Milyong ill-gotten wealth pinababalik sa mga Marcos crony

272

Ipinag-utos ng Sandiganbayan sa mga malalapit na kaibigan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na ibalik sa gobyerno ang milyong pisong ill-gotten wealth na shares nila sa Eastern Telecommunications Philippines, Inc. (ETPI).

Sa 142-pahinang kautusan na may petsang December 4, pinababalik ng anti-graft court sa 20 indibiduwal at investment firms ang nasa P68.17 mil­yong nakuha nitong shares sa ETPI.

Inatasang ibalik ng Jose Africa, Polygon Investors and Managers, Inc., at 16 pang “small indivi­dual shareholders” sa gobyerno ang P68,167,610.93 shares ng mga ito sa ETPI na inilipat nila sa ISM Communications Corporation.

Maging ang mga legal heirs ng Africa and Nieto ay inatasan ding magbalik ng kanilang shares sa ETPI, maging ang lahat ng stock o cash dividends na natanggap nila at interest.

Pinagbabayad din sila ng P1 million each para sa damages. (Issa Santiago)