Abante Tonite Interactive

Milyong mga fan, tutok sa World Cup

235

Gaganapin ang 18th FIBA World Cup 2019 Draw presented by Wanda sa harap ng sell-out crowd na 8,000 sa Shenzhen Bay Arena sa China mamayang gabi.

Headline ng star-studded show sina dating NBA star Kobe Bryant ng Estados Unidos na mangangasiwa sa draw, World Cup ambassador Yao Ming ng host country, at American singer/songwriter Jason Derulo.

Si Kobe ang maghahayag kung saan-saang grupo mapupunta ang record na 32 bansang kasali sa torneo, kabilang ang Pilipinas, na panggagalingan ng itatanghal na kampeon sa Sept. 15.

Pinakamalaking torneo ang 18th edition ng kompetisyon na ilalaro sa walong lungsod sa China.

“We’re thrilled that thousands of basketball fans will be packing Shenzhen Bay Arena for the draw,” pahayag ni FIBA president Horacio Muratore ng Argentina. “There is so much excitement and anticipation building up ahead of this first-of-a-kind World Cup. Seeing all tickets sell out for this milestone event in the build-up to the competition is proof that.”

Biyernes ng gabi nang pinakita ng Molten ang bola na gagamitin sa mga laro.
Seeded na ang host China, USA, Spain, France, Serbia, Argentina, Lithuania at Greece.