Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mimaropa, 6 pang rehiyon kritikal kay ‘Odette’ – NDRRMC

0 206

Naglatag ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mga klasipikasyon ng epekto ng Bagyong Odette sabay sabi na posibleng sa Caraga o sa Eastern Visayas ito mag-landfall.

Charlie o nasa high risk ang Mimaropa; Western, Central, at Eastern Visayas; Northern Mindanao; Soccsksargen at Caraga.

Samantala, ang Ilocos, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol, Zamboanga Peninsula, Davao Region at BARMM ay nasa bravo o medium risk category.

Habang ang Metro Manila, CAR at Central Luzon ay nasa alpha o low risk.

Kasabay nito, sinabi ng NDRRMC na kanselado ang maraming land at sea travel sa lugar na dadaanan ni Odette.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, base sa report ng regional arm nila sa Region 8, ang land travel sa Eastern Visayas ay kanselado na.

Sinabi naman ng LTO-Bicol na suspendido na rin ang land travels papuntang Visayas at Mindanao mula pa nitong Lunes, maging sa Catanduanes at Masbate.

Ang Coast Guard Station-Camotes naman ay nagsuspinde ng biyahe sa lahat ng uri ng sasakyan papunta o galing sa Camotes Group of Islands at Cebu province.

Habang ang CGS Iloilo ay nagsabi na ang sea trips ay kanselado rin. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.