Abante Tonite Interactive

Min Young umaming bumaba ang popularidad

By
199

Ilang araw na rin pagkatapos ng finale episode ng isa sa popular drama na “What’s Wrong with Secretary Kim” pero hanggang ngayon ay nasusulat at pinag-uusapan pa rin ito, lalo na sa mga lead star ng drama na sina Park Min Young at Park Seo Joon.

Although matagal na ring aktres at marami nang nagawang drama at Korean film si Min Young, tila ang recent K-drama niya na “What’s Wrong with Secretary Kim” ang pinaka-biggest break niya at dahilan para tumaas pa ang popularidad niya.

No wonder, maging ang South Korean actress ay aminadong ito ang pinakapaborito niya sa lahat ng mga nagawa na niya.
Ayon kay Min Young, “Kim Mi So is my favorite among the characters I’ve played until now.

“It feels like we’re still doing the drama. I miss it to the point that I want to go back.”
Inamin din ni Min Young sa recent interview niya na naranasan na niya ang pagbaba ng popularidad. Not just once but twice. Ito raw ‘yung mga panahon bago niya gawin ang “Sungkyunkwan Scandal” at ang “Healer”.

Ayon kay Min Young, “There were times when my self-esteem as an actor had fallen, but ultimately, looking back, there was always a great drama that came to me like a gift. Now, I’m not as affected by [slumps]. No matter what happens, I think, ‘this is going to pass’.”

At kahit naging item at na-isyung tatlong taon na raw magkarelasyon, pero mabilis na itinanggi nina Min Young at Park Seo Joon, all-praises pa rin ang aktres sa kanyang leading man.

“Park Seo Joon has so many strengths as an actor,” saad ni Min Young.

“He’s fast on his feet, and there are a lot of actors who don’t really know how to use their bodies, but Park Seo Joon is naturally very good at acting with his whole body. Specifically with rom-coms, I don’t know if it’s because he’s done a lot of rom-coms, but he really knows which parts of the drama will make people fall in love. Even with really cringeworthy lines, he’ll deliver them in such a sweet way that it makes the character sweet and cute.”
At kahit katatapos pa lang ng “WWWSK”, may balita na agad na naka-line-up na bagong drama na gagawin niya, ang “Braveness of the Ming”.