Abante Tonite Interactive

Mina Chang: Siya ba ang next US ambassador?

0 325

Ilang araw na rin kumakalat ang balitang papalitan ng maganda at seksing Deputy Assistant Secretary Mina Chang ng State Department Bureau of Conflict and Stabilization Operations ang kasalukuyang ambassador ng Amerika sa Pilipinas.

Kahapon tinuldukan ng US Embassy ang mga espekulasyon at sa inilabas na pahayag ay sinabing walang katotohanan ang mga balitang papalitan ni Chang si US Ambassador Sung Kim.

Nilinaw ng US Embassy na si Chang ay magsisilbi bilang executive ng US Agency for International Development (USAID).

“We’ve seen this claim. It is not true. In September 2018, the White House announced the President’s intent to nominate Mina Chang to be an Assistant Admi­nistrator of the US Agency for International Development for the Bureau of Asia,” pahayag ng US Embassy.

Matatandaan na maging si Presidential Spokesman Salvador Panelo ay na-excite hinggil kay Chang at nagkomento pa ukol dito sa kanyang press briefing sa Palasyo noong Lunes.

“Did you hear about the incoming… I don’t know if true, the inco­ming US Ambassador? Beautiful, maganda, golfe­r pa, Harvard pa. Ewan ko, basta iyon ang sabi eh. Nakara­ting na rin sa inyo ha. Exci­ting times,” komento ni Panelo.