Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mina duguan ang kamay

0 207

Noong July 2020 ay nag-come out ang Kpop-idol na si Kwon Min-ah (Mina). Diumano ay biktima siya ng bullying.

At ang itinuro niyang nambu-bully sa kanya ay ang mismong ka-member niya sa AOA na si Shin Jimin. Sinabi nito na dahil sa mga ginagawa umano sa kanya ni Jimin, nandiyang nag-attempt siyang mag-suicide.

Umalis si Mina sa kanilang agency at sa grupo nilang AOA hanggang later on, humingi rin ng apology si Jimin sa kanya.

Pero hindi pa pala dito nagtatapos.

Nitong isang araw lang, nagulat na lang ang mga netizen at followers niya nang mag-post siya sa kanyang Instagram account ng photo na duguan ang kamay . Tila umano naglaslas ng pulso.

Base sa picture, may mga dugo rin na nagkalat sa floor. Tipong ang post na ito ay para raw sa mga haters niya na hanggang ngayon, patuloy na nagpapadala ng mga malicious or hate messages sa kanya.

Sa caption ay sinabi ni Mina na, “Why, is this dirty? Does this make you feel squeamish? Every word you say makes me end up doing this. A suicide show? You just say it’s to get some sympathy. Then give me some of that sympathy.
Go see a psychiatrist? I have been seeing one for over 10 years. Do you know why I have gone mad? Have you ever lived a day in my shoes? You don’t know anything about me, but you still keep stepping all over me and ripping me apart. I’ve been trying my best, but I’ve been living like a fool.”

Walang nakakaalam kung kailan talaga saktong kinunan ang picture na pinost ni Mina, pero na-delete na rin ang post na ito.

Pinaniniwalaan na hanggang ngayon, nagsa-suffer pa rin ang idol sa depression. At marami naman ang nagwi-wish na sana raw, maging okay na ito.

Last time na ginawang project pa niya ay noong 2019 bilang lead sa dalawang drama, ang “Wind Bell” at “Loss Time Life.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.