Abante Tonite Interactive

Mina naagapan ang depresyon

458

Marami ang natuwang mga K-pop fan sa balitang gumaganda ang health condition ng “Twice” member na si Mina.

Mula noong July 2019 ay in hiatus na si Mina sa mga group activities. Ang pagkakaroon ng anxiety ang dahilan ng health condition niya. Pero noong February 11, sa concert ng Twice sa Fukouka ay napanood na nag-participate ito.

Ayon sa agency niya,ang JYP Entertainment.

“The condition of Mina’s health has stabilized a lot. Future activities will continue to be carried out with careful consideration of Mina’s health.”

Sa isang banda, puring-puri naman ng netizens ang JYP Entertainment dahil sa maayos na pag-aalaga nito sa mga artist. Tulad ni Mina na naaagapan ang anxiety at nabibigyan ng pagkakataon na magpahinga. Hndi raw gaya ng ibang agency na pera lang ang tinitingnan.

Kilala ang South Korea na maraming artist ang nagsa-suffer sa mental health issue. Napansin nila na malaking bagay ang tamang suporta ng agency sa artist nila.Tulad ni Mina na naaagapan ang anxiety at nabibigyan ng pagkakataon na magpahinga.