Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mina ng medalya

0 108

Hanggang ngayon, sigurado andiyan pa rin ang ngiti at saya ng bawat Pilipino dahil sa pagsungkit ng ng kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa Olympics.

At laking pasasalamat natin kay Hidilyn Diaz dahil kung hindi dahil sa kanya hindi maitatala sa kasaysayan na merong ginto ang Pilipinas sa Olympics. Ika nga, nakasungit na yan sa kasaysayan kaya naman wala tayong masabi kundi, “Salamat Hidilyn, ikaw ang tunay na Lodi!”.

Dahil sa panalong ito ni Hidilyn, aba’y instant millionaire ang ating bayani. Parang tumama na rin siya sa lotto sa dami ng incentives na kanyang matatangap mula sa gobyerno at sa pribadong sektor. Kainggit di ba?

Well-deserved naman yan ni Hidilyn ang lahat dahil sa karangalang ibinigay niya sa ating bansa. Ang kanyang sakrpisyo, ang kanyang determinasyon na makapag-uwi ng medalya ay hindi matatawaran, kaya nararapat lang na parangalan si Hidilyn.

Imagine, halos isang century bago natin nakuha ang ginto sa Olympics. Sobrang tagal na noon ha. Tulad ni Hidilyn, tayo rin ay hindi makapaniwala na kaya palang makuha ang ginto sa OIympics. Pero sabi nga ni Hidilyn, ang karangalan na nakuha at karangalan natin lahat. Hindi niya sinosolo.

At mukhang lang hindi lang kay Hidilyn nagtatapos ang pagsungkit natin ng medalya sa Tokyo Olympics. Sigurado na sa bronze medal ang boxer nating si Nesthy Petecio at malamang magka-medalya rin ang tatlong pang boxers na sina Eumir Felix Marcial, Carlos Paalam at Irish Magno.

SM food to go Banner Ad

Bukod diyan, puwede ring makasungkit ng medalya ang pole vaulter na si EJ Obiena na hindi naman nalalayo sa kanyang mga kalaban. Uso ang “upset” sa Olympics kaya puwede ring gawin ng ating magiging atleta yan.

Napansin ko lang, sa record ng Pilipinas sa Olympics, tanging mga individual event lang nagkakaroon ng medalya. Mula noong sumali ang Pilipinas sa Olympics noong 1924, nakakolekta na tayo ng 11 medalya.

At pinakamarami diyan ay mula boxing (5), at tig-dalawa sa swimming, athletics at weightlifting. Malamang madadagdagan pa ‘yan dahil malaki ang pag-asa nating makahakot pa ng medalya sa boxing event sa Tokyo Olympics.

Sa tagal nating sumali sa Olympics, hindi pa nagka-medalya ang Pilipinas sa team event. Sabagay, bagay basketball team pa lang ata sa pagkaalam ko ang team na naipadala sa Olympics at hindi naman pumasok sa Top 3.

Ang punto, mas may mina ng medalya sa individual event katulad nga nitong weightlifting, boxing, swimming, athletics, taekwondo at iba pa. Hindi naman kasi kailangan ng height diyan tulad ng ibang team sports na bentahe na ang matatangkad.

Sana suportahan, palakasin pa ang mga programa sa mga indibidwal sports dahil malaki ang tiyansa natin diyan na makasungkit ng medalya. Ang kailangan nga lang ay suporta ng gobyerno. Ang pribadong sektor naman andiyan lang para aalayan ang ating mga atleta na gusto magbigay ng karangalan sa ating bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.