Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Minahal ng bayan

0 79

Kung hindi ako nagkakamali, marami sa mga incumbent na opisyal ang muling nahalal noong May 9 local elections. Sa Metro Manila lamang, mayorya ng mga incumbent ang nanalo. Sa ibang lugar, kaalyado at kamag-anak naman ang nanalo. Sa Maynila, ang kaalyado ni outgoing Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na si Vice Mayor Honey Lacuna ang nagwagi sa mayoral race.

Sa Taguig naman, babalik bilang alkalde ng lungsod si Rep. Lani Cayetano matapos magwagi laban kay Arnel Cerafica. Papalitan niya ang bayaw na si Lino Cayetano na nagdesisyon na huwag nang tumakbo sa alinmang puwesto.

Sa Malabon lang yata magkakaroon ng bagong mukha matapos manalo si dating vice mayor Jennie Sandoval kontra kay councilor Enzo Oreta. Dikit ang laban ng dalawa pero nakaungos ng 1,279 boto si Sandoval. Noong 2019, tumakbo rin itong alkalde pero tinalo noon ng incumbent mayor Antolin “Lenlen” Oreta III.

Sa labas ng Metro Manila, may mga lugar na dikitan ang laban, pero mas marami ang landslide ang panalo. Tulad na lamang ni Cong. Pidi Barzaga ng 4th district ng Cavite na lumamang ng halos 247,000 boto sa sumegundang kandidato.

Iisipin ng ibang tao na kaya landslide ang panalo ni Barzaga ay dahil sa excellent o mahusay na serbisyo publiko nito kaya natanong natin kung ano ba ang sikreto nito kung bakit mabango ang pangalan sa kanyang mga constituent.

Maiksi lang ang naging sagot ni Cong. Pidi, ‘loved.’ Agree tayo diyan, hindi mananalo ang isang kandidato kung marami sa kanyang mga constituent ay walang pagmamahal sa tumatakbo.

Pero bago ka mahalin ng iyong nasasakupan, kailangang gumawa ka ng kabutihan sa kapwa-tao at mga makabuluhang proyekto na pakikinabangan ng marami.

Isa lang ang ibig sabihin niyan, maraming natulungan si Cong. Pidi sa kanyang distrito. Madaling hanapin at lapitan ng mga nangangailangan. Marami ring makabuluhang programa at proyekto na pinakikinabangan ng mga mamamayan ng Dasmariñas City.

Ilang dating congressman ang nagtangka pero nabigong gawin city ang Dasmariñas. Si Cong. Pidi lang ang nakagawa nito noong 2009. Kaya naman noong 2011, ipinagdiwang dito ang unang Paro-Paro Festival bilang paggunita sa pagiging siyudad ng Dasmariñas.

Kaya naman, masasabi nating ‘sana all!’ Sana katulad ni Cong. Barzaga ang naglilingkod sa aming distrito. Sana katulad niya ang naglilingkod sa marami pang lugar sa bansa.

Kahit successful sa larangan ng politika, hindi naghahangad ng mas mataas na posisyon sa gobyerno si Cong. Pidi. Hangad lamang niya ay makapagsilbi sa taumbayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.