Abante Tonite Interactive

Minanyak ni uncle

By
15

Rehas na bakal ang bagsak ng isang lalaki nang manyakin nito ang sariling pamangkin habang naliligo sa Pasay City kahapon.

Kinilala ang nadakip na suspect na si Frederick Mesias, 38, walang trabaho at nakikitira sa bahay ng pamangkin sa Barangay 61 nang nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalan ‘Jenifer’ 20-anyos, alas-9:30 ng umaga naliligo umano siya sa banyo nang makarinig ng tunog ng camera.

Inakala ng dalaga na ang kapatid ito na nagse-selfie ngunit nang makalabas ng banyo ay sinalubong siya ng kapatid at isinumbong ang suspek.