Abante Tonite Interactive

Minasaker ang buong pamilya

216

Ano po ba ang kahulugan ng panaginip ko. Nanaginip ako na pinatay ang buong pamilya ko nakita ko silang nakalutang sa ilog ako lang ang nag-iisang nakaligtas dahil tinulungan ako ng isang lalaki.

Masaker, ang ganitong panaginip ay hindi naman premonisyon o pangitain pero hindi maiiwasang mag-iwan ito sa atin ng matinding pagkaba­lisa at takot.

Pero alam mo bang kadalasang ang nagkakaroon ng ganitong panaginip ay may hindi magandang relasyon sa kanyang pamilya? Posibleng may tampuhan o samaan ng loob na nangyari. Kadalasan kang ikinokonek sa suppressed anger o mga galit na kinikimkim ang ganitong uri ng panaginip.

Abante Hiring – IT dep

Kung hindi naman ganito ang iyong sitwasyon, ang iba ay nagkakaroon ng ganitong panaginip kung masyado silang protective sa kanilang pamil­ya. Karaniwang kung sobra tayong magmahal ay laging kaakibat ang takot na isang araw ay mawala sa iyo ang pamilya mo.

Ang ganitong panaginip ay puwede ring namang dahil lamang sa impluwensya ng napapanood mo o naririnig kayang mga balita. Kung may isang malagim na balita na nagkaroon ng mala­king impact sa iyo o masyado kang nabalisa, hindi malayong ito ang pinag-ugatan ng iyong pa­naginip kung saan minasaker ang iyong pamilya.

Kung ganito ang sitwasyon mo, ang taong nag­ligtas sa iyo sa panaginip ay representasyon ng sarili mo. Kung itinuturing mo ang sarili mo na protector ng iyong pamilya, ikaw ang savior sa pana­ginip mo. Halimbawang isang bread winner ka at alam mong ‘pag nawala ka ay maghihirap ang iyong pamilya.

Ang masaker at malagim na kamatayan ay maaari ring nangangahulugan ng pagtatapos. Kung may masama kang bisyo na gusto mo nang baguhin, puwede ring ikonek ang ganitong panaginip.

Sa kabuuan, hindi naman maituturing na isang premonisyon ang iyong panaginip. Pero ang ganitong panaginip ay maaaring paalala na habang buhay pa ang ating pamilya, bigyan na sila ng kinauukulang pag-aruga dahil anumang araw ay puwede silang mawala sa atin.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.