Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mindanao cong: 11 dinampot sa Cavite walang warrant

0 79

Hiniling ng isang mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang umano’y warrantless arrest sa 11 katao, kabilang ang pitong Muslim, sa Bacoor, Cavite noong Pebrero 17.

Sa kanyang privilege speech, iginiit ni Deputy Speaker Mujiv Hataman sa Kamara na nakababahala ang pangyayari at hindi maliit na bagay ang pinagdadaanan ng mga Muslim dahil isang malinaw na kaso ng kidnapping.

Nabahala pa si Hataman na maaaring bahagi o sa ilalim ng Anti-Terrorism Law ang ginawang pag-aresto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mr. Speaker, noong madaling-araw ng ika-17 ng Pebrero, kasama ang mga pulis-Bacoor, inaresto ng National Intelligence Coordinating Agency at ng National Capital Region Police Office ang 11 sa Bacoor, Cavite. Sa Yuxing construction site, pinadapa sila, at tinanong kung sino sa kanila ang Muslim. Muslim ang 7 sa kanila, galing pang Basilan – ang distritong kinakatawan ko. Inaresto sila, ayon sa mga nakalap naming impormasyon, nang walang judicial warrant,” ayon kay Hataman.

Wala umanong nangyaring pasabi sa mga kaanak at hanggang ngayon walang makapagsabi kung nasaan ang mga ito. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.