Abante Tonite Interactive

Mindanao kumalma na dahil sa BOL – Duterte

0 251

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na nabawasan na ang mga bakbakan sa Mindanao matapos maipasa ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Dusit D2 Hotel sa Davao City noong Biyernes nang gabi.

Ang BOL aniya ang naging susi kaya nasolusyonan ang matagal ng problema sa kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.

“We have been able to strike a solution in Central Mindanao. There is less fighting now because of the BOL,” anang Pangulo.

Niratipikahan ang BOL noong unang buwan ng kasalukuyang taon na naging daan para palitan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Pero hindi aniya mangyayari ito kung hindi sa tulong ng mga kapatid na Muslim dahil napahupa nila ang mga nag-iiringang grupo sa rehiyon.

“And I’d like to congratulate my brother Muslims, Moros of Mindanao that there has been almost no incident here in Central Mindanao area,” dagdag pa ng Pangulo.

Gayunman, inamin ng Pangulo na ang New People’s Army (NPA) ang nananatiling malaking problema sa buong bansa at hangad niya na matapos ang problema sa mga ito bago magtapos ang kanyang termino sa 2022. (Aileen Taliping)

Produkto ng San Miguel Foods ligtas sa African Swine Fever

Ipinahayag ng San Miguel Foods na nananatiling laging ligtas ang mga produkto nito sa kabila ng napapabalitang pagkalat ng African Swine Fever.

Ayon sa San Miguel Foods, ang mga produkto nitong Purefoods Canned and Refrigerated Meats at Monterey Fresh Meats ay dumadaan sa iba’t ibang masusing proseso upang masiguro ang mataas na kalidad at food safety.

Isang dahilan kung bakit ligtas ang mga produkto nito ay dahil sa ‘grain-fed’ ang mga baboy nito. Ang mga grain feeds na ipinapakain sa mga baboy ay gawa sa mga state-of-the-art feedmill ng B-MEG sa ilalim pa rin ng kompanya.

Ang mga hog farm at pasilidad ng kompanya ay sumusunod din sa mga istriktong animal health at biosecurity protocol.

Maliban dito, bago pa man ma-distribute ang mga produkto ay may kaukulang permit na ang mga ito mula sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service.

Sinabi ng San Miguel Foods na sa kabila ng mga protocol na ipinapatupad ng ilang local government unit (LGU), nananatiling ligtas at available ang mga Purefoods Canned and Refrigerated Meats at Monterey Fresh Meats sa mga pamilihan katulad ng mga supermarket, grocery store, Monterey Meat Shop, at Monterey Community Market.