Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mindanao ligalig sa bagong COVID

0 92

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng saklolo sa national government ang lalawigan ng Sulu sa Mindanao dahil may na-detect na umanong bagong COVID-19 strain sa Sabah.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang ipinatawag na pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease Sabado ng gabi kung saan pangunahing pinag-usapan ang bagong COVID-19 strain na unang natuklasan sa United Kingdom.

“The provincial government of Sulu has called the [Inter-Agency Task Force] for assistance following the course that the new strain of COVID-19 has been detected in Sabah, Malaysia,” sabi ng Pangulo.

Nais aniya ng pamahalaang lokal ng Sulu na humingi ng tulong sa IATF kung paanong tutugunan ang emergency situation na ito.

Samantala, inihayag naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi pa nakakapasok sa Pilipinas ang bagong COVID-19 strain.

Sabi ni Duque, 70% ang transmissibility rate ng bagong COVID-19 strain subalit walang indikasyon na magdudulot ito ng mas grabeng epekto sa tao.

Nirekomenda rin ni Duque na ipatupad ang 14 araw na quarantine period para sa mga galing sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng bagong COVID-19 strain.

Maaari rin aniyang ipatupad ang travel ban kapag nagkaroon ng community transmission ng bagong COVID-19 strain sa isang bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.