Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mindanao nilampasan Luzon sa aktibong COVID case

0 225

Nalampasan na ng Mindanao ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa datas ng Department of Health (DOH), may 11,391 aktibong kaso ng COVID-19 sa Mindanao habang sa Metro Manila na nananatiling epicenter ng pandemya ay nakapagtala naman ng 10,174.

Nalaman na sa Cagayan at Central Luzon ang may pinakamataas na kaso pero mabilis rin ang pagbaba. Naobserbahan naman sa Davao City at Zamboanga region ang pagtaas ng kaso dahil sa mga bagong variant.

“Kung pag-uusapan natin `yong bilis at pagtaas ng kaso, the Mindanao cases as a whole is higher than the cases we are seeing now in Luzon and NCR [National Capital Region],” ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman.

Sa kabila naman ng pagtaas ng kaso ay hindi inirekomenda ng DOH ang regional lockdown.

Subalit iginiit na magpatupad ng granular lockdown sa mga lugar na maraming may sintomas ng COVID-19 at agad na i-quarantine. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.