Abante Tonite Interactive

Mindanao Sports For Peace Caravan nilunsad

381

Matagumpay na inilunsad ang ­Mindanao Sports for Peace Caravan na layunin na ­maipalaganap ang katahimikan at ­kapayapaan sa rehiyon sa simpleng ­programa na ginanap kahapon sa Cotabato City States Polytechnic ­University (CCSPU) sa pangunguna ng Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute.

Isa sa pangunahing programa ng PSC at PSI katulong ang Armed Forces of the Philippines sa pamumuno ni Col. Taharudin Ampatuan base na rin sa naisin ng pangulo na maabot ang mga kabataan sa kanayunan ang puntahan ang kabuuang 17 malalayong lugar upang ituro ang kahalagahan ng sports.

Naniniwala ang AFP, PSC at PSI na ang sports ang siyang magsisilbing tulay para sa kapayapaan dahil mismong si ­President ­Rodrigo Duterte ang nagsabi na “The ­language of sports is the language of peace”.

Uminog ang programa sa paglulunsad ng Ate/Kuya Leadership Training program na nilahukan ng 50 volunteers na 4th year MAPEH students ng CCSPU at siyang tutulong sa AFP, PSC at PSI sa gagawing mga sports activities na lalahukan ng mga mahigit 500 kabataan.

Ilan sa mga premyadong dating national athletes at coaches na kabilang na sa mga enlisted personnel ng mga sangay ng AFP na Navy Army at Armed Forces ang kasamang tutulong sa programa.

Nagpasalamat naman si Cotabato Polytechnic State College President, Dr. ­Dammang S. Bantala, at Bangsa Moro Sports Commission Chairman Norman Uka sa ­pagpapasimula ng Mindanao Sports For Peace Caravan na may adhikain na Breaking Barriers, Building Bridges. (Lito Oredo)