Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mindanao tinalo Luzon sa COVID case

0 236

Nalagpasan na ng Mindanao ang mga aktibong kaso ng COVID19 sa National Capital Region(NCR) at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) may 11,391 kaso ng COVID-19 sa Mindanao habang ang Metro Manila na nananatiling epicenter ng virus sa bansa ay may 10,174 kaso.

Nalaman na sa Cagayan at Central Luzon na may pinakamataas na kaso ay mabilis rin ang pagbaba pero naobserbahan sa Davao City at Zamboanga region ang pagtaas ng kaso dahil sa mga bagong variant.

SM food to go Banner Ad

“Kung pag uusapan natin yung bilis at pagtaas ng kaso, the Mindanao cases as a whole is higher than the cases we are seeing now in Luzon and NCR,” ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman.

Sa kabila naman ng pagtaas ng kaso hindi inirekomenda ng DOH,ang regional lockdown.

(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.