Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mindoro niyugyog ng 160 aftershock

0 79

Umabot sa 160 aftershock ang naramdaman ng mga residente sa Occidental Mindoro matapos ang magnitude 5.7 lindol na yumugyog sa kanila nitong madaling-araw ng Lunes, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs).

Nasa magnitude 1.4 hanggang 4.5 ang mga naitalang aftershock at dalawa umano sa mga ito ang naramdaman ang pag-uga ng lupa.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol dakong ala-1:12 ng madaling-araw at naramdaman ang intensity 4 nito sa iba pang lugar kabilang na sa Batangas, Cavite, Rizal at Metro Manila.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Isang magnitude 4.5 aftershock ang tumama sa Looc dakong ala-1:40 ng madaling araw. Naramdaman ang intensity 1 nito sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum Jr. na malakas ang lindol kaya inaasahang aabot ng 4.5 hanggang 4.7 ang mga aftershock nito.

Subalit malalim aniya ang pinanggalingan ng lindol kaya hindi naman ito magdudulot ng matinding pinsala. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.