Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mingyu dawit sa school bullying

0 111

Uso lang ba o nagkakataon? Sunod-sunod kasi ngayon sa entertainment ng South Korea na may mga nababalita na mga celebrities na dawit sa isyu ng school bullying.

At kahit ang isa sa miyembro ng Seventeen na si Mingyu ay sangkot din sa isyu ng school bullying.

Biglang may mga lumalabas online na diumano’y biktima sila ng pambu-bully. It’s either ‘yung nag-post mismo o kakilala nila.

Sa case ni Mingyu o Kim Mingyu, isang anonymous netizen ang nag-post sa isang popular online community na ang k-pop Idol nga raw, during his middle school at Burim , kabilang umano siya sa mga grupo na nambu-bully ng mga ibang estudyante.

Mabilis naman itong itinanggi ng Pledis Entertainment , agency niya.

Sinabing nagsagawa rin sila ng research sa validity ng naturang report.

Ayon sa mga ito, “We checked with Mingyu and the rumors are completely false and have no basis. We don’t understand why anyone is making these claims.”

Bukod dito, binigyang linaw rin nila ang ilan sa impormasyon na naka-post na may discrepancies daw.

“‘A’s middle school graduation album is from a different year than Mingyu’s graduation. ‘A’ also said that Mingyu was cast when he was in his 3rd year of middle school, but Mingyu has been a Pledis Entertainment trainee since he was in his 2nd year.”

Sa isang banda, nakulangan naman ang mga fan ni Mingyu at grupo ng Seventeen. Dapat daw, may gawin din legal action ang Pledis Entertainment sa nag-post nito .Pati na rin sa nagbabalak na patulan ang paninira sa kanilang idolo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.