Abante Tonite Interactive

Minhyuk papasok sa military

153

Kinumpirma na ng BTOB member na si Minhyuk at ng kanilang agency, ang Cube Entertainment na sa Februa­ry ay mag-e-enlist na ito sa military.

Natanggap ang idol bilang isang conscripted policeman.

Ayon sa Cube Entertainment, “Minhyuk will be enlisting on February 7 as a conscripted policeman. He has expressed his desire for a quiet­ enlistment, so we will respect his wishes and not reveal the exact time and location.”

Ikatlong miyembro ng BTOB na papasok sa military si Minhyuk. Nauna na sa kanya noong August 2018 si Eunkwang at sa January 14 naman si Changsub.

Bago pumasok sa military, mag-iiwan si Minhyuk ng isang solo album niya para sa mga fan at Melo­dies, mga tagahanga ng grupo nilang BTOB.

Kaya nangako ito na magiging visi­ble sa halos lahat ng music shows two weeks bago siya mag-enlist.

Nag-surprise appearance na nga ito sa 12 hour live broadcast ng fellow BTOB member niya na si Yook Sungjae. At dito nagbigay ng mensahe niya si Minhyuk sa mga fan.

Aniya, “Congratulations to me, I’m going to the army.

“I know that people may feel very torn up about the news that I will be enlisting on February 7.

But there will be lots of opportunities to see each other before then with the release of my solo album. If I were to give a bit of a spoiler, I’m going to appear on music shows from next week.

Four times next week, and four more times the week after, maybe more. I’ll be with you whenever I can, so I hope you’re excited.”

Ang first solo album ni Minhyuk ay ang HUTAZONE at iri-release sa January 15.

Magkakaroon din siya ng solo concert sa February 2 at 3. (Rose Miranda)