Abante Tonite Interactive

Minimum wage system ng kasambahay pinaaamiyendahan

312

Itinulak ng isang kongresista ang pag-amiyenda at pagsasaayos ng minimum wage system sa bansa partikular ang para sa mga kasambahay.

Ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn P. Tulfo maraming ‘unskilled at low-skilled’ OFWs ang piniling ma­ngibang bansa dahil sa malaking sahod na tinatanggap ng mga ito kumpara sa kakapiranggot lamang na sahod dito sa Pilipinas na maituturing na ‘labor slave’.

Partikular na tinukoy ng solon, ang mini­mum wage ng mga kasambahay.

Hindi lamang umano ayusin ang minimum wage ng mga kasambahay kundi dapat din umanong bigyan ng marangal na trabaho ang mga ito. (Eralyn Prado)