Abante Tonite Interactive

Mining consultant binoga sa Davao

By
14

Nasugatan ang isang retiradong opisyal ng Philippine Army na nagsisilbing provincial mi­ning consultant matapos pagbabarilin sa Mati City, Davao Oriental kamakalawa.

Tinukoy ni Police Chief Inspector Andrea dela Cerna, Southern Mindanao regional police spokesperson, ang pagkakakilanlan ng biktima na si retired Philippine Army Colonel Dante Ganir.

Batay sa paunang pagsisiyasat, nasa labas ng kanyang bahay sa Bgy. Dahican si Ganir nang sumalakay ang armadong mga lalaki dakong alas-7:30 ng gabi.

Mabilis na tumakas sa hindi natukoy na direksyon ang mga suspek habang agad na itinakbo sa ospital ang biktima.

Narekober sa lugar ang ilang basyo ng kalibre .45 pistola na ginamit sa suspek.

Bago maging mining consultant, nagsilbi si Ganir bilang Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) for Davao Oriental. Pinalitan niya bilang PENRO ang retiradong Colonel na si Eulogio Baltazar na napatay noong 2009.