Abante Tonite Interactive

Minura si Digong: Mystica kinasuhan ni Arnell

0 947

NI: RONA RONDA

Sinampahan ng kaso ni Arnell Ignacio ang tinaguriang Split Queen na si Mystica. Bunga ito ng maaanghang niyang salita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtungo ang dating TV host-actor sa Imus City Prosecutor’s Office nang malamang nakatira si Mystica sa General Trias Cavite. Kabilang sa kasong isinampabay ang cyberlibel, sedition at paglabag sa

Bayanihan To Heal As One Act.

Ani Arnell sa kanyang post sa Facebook page,

“Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB. Hindi mo puede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos.”

Dagdag pa niya, “Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo eh. Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang.”

Matatandaan na binatikos ni Mystica ang Pangulo sa video na ipinost nito sa kanyang Facebook account. Nagbitiw pa ito ng mura laban sa Pangulo .Hinikayat pa umano na magbitiw sa pwesto para palitan ng kanyang Bise-presidente na si Leni Robredo.

Bukas naman ang panig ni Mystica sa kasong isinampa sa kanya ni Arnell.

Tonite – Wendys Inhouse Ad