Abante Tonite Interactive

‘Mira’ ni Gabriel hit sa Spotify

374

Binansagan na Spotify streaming prince ang Filipino-American na si Gabriel Barcenilla nang sumobra sa million ang mark sa streaming ng kanyang kantang ‘Timeless’. Binigyan pa siya ng award na Best New Male Artists sa USA Mixed Tapes Music Awards na mas sikat sa Arizona, USA na AZMT Music Awards.

Busy naman ngayon si Gabriel sa paggawa ng music video ng “Mira”. Nag-hit din ang bago niyang kanta sa Spotify.

“Someday, I want to be famous as a signed artist of an international label/music company. And at the same time, as a familiar face to households around the world, and as a TV commercial model,” pahayag ni Gabriel sa isang panayam.

Naghihintay ngayon ang dalawang recording company at talent management kay Gabriel, sakaling mag-decide siya to pursue his local recording career. Buong pamilya ni Gabriel ay nasa Arizona, USA nakabase ngayon.