Abante Tonite Interactive

Miranda, Rizal pupukpok kontra Arellano

274

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)
12 p.m. – San Sebastian vs Perpetual
2 p.m. – Benilde vs Mapua
4 p.m. – JRU vs Arellano

Papasabog muli sina Agem Miranda at Marwin Dionisio upang ipagpatuloy ang pagbalik ng Rizal Heavy Bombers sa winning column kontra host Arellano Chiefs sa huling laro mamaya ng 95th NCAA men’s basketball tournament 2019 second round elims sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Tumirada si Miranda ng 16 points at si Dionisio ng 13 na may 16 rebounds nang tambangan ng nasa pampitong JRU (4-7) ang Aguinaldo Generals nitong Biyernes, 69-63.

Ang dalawa ang inaasahang muling kakayod sa alas-4:00 ng hapong duwelo kontra AU na naunahan nila nitong first round, 80-77.

Handa namang tapatan ang dalawa nina Justin Arana na kumayod ng 23 markers at 15 boards upang kumawala sa three-game losing skid at paangatin ang barahang 2-9 na tama sa ikasiyam.

Salpukan rin naman ang nasa terserang San Sebastian Stags (7-3)-8th-running Perpetual Help Altas (3-7) sa alas-12:00 ng tanghali, nasa panlimang at Benilde Blazers (6-4)-pumapang-anim na Mapua (4-6). (Aivan Denzel Episcope)