Abante Tonite Interactive

Miriam College nag-panic sa bomba

By
15

Kinansela kahapon ng isang kilalang kolehiyo sa Quezon City ang lahat ng kanilang klase at pasok sa trabaho matapos na makatanggap ng bomb threat noong Martes ng gabi.

Sa isang abiso ng administrasyon ng Miriam College, sinabi nitong nakatanggap sila ng bomb threat sa pamamagitan ng isang text message noong gabi ng Oktubre 17 kaya’t nagpasya silang kanselahin muna ang pasok ng kanilang mga estudyante at mga empleyado.

Nilinaw nitong una nang nag-inspeksyon ang kanilang mga security staff at wala namang nakitang kahina-hinalang bagay ang mga ito.

Abante Hiring – IT dep

Gayunman, nagpasya pa rin ang kolehiyo na huwag na lamang papasukin ang kanilang mga mag-aaral upang bigyang-daan ang mga pulis na masiyasat at magalugad ang lahat ng kasuluk-sulukan ng campus at matiyak ang kaligtasan nito laban sa anumang pampasabog.

“The school received a bomb threat via a text message yesterday evening, Octobere 17 (T). While security staff promptly conducted an inspection of the campus and found nothing suspicious, school management deems it necessary to suspend classes and work in all units today, October 18 (W),” abiso ng Miriam College sa Twitter account nito.

Matapos naman ang paneling at clearing ope­ration na isinagawa ng mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) sa buong campus ay idineklara na itong ligtas mula sa anumang bomba.

Inabisuhan na rin ng Miriam College ang kanilang mga estudyante at mga empleyado na balik na sa normal ang kanilang pasok ngayong araw, Oktubre 19.