Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miriam kinilig kay Ian

0 94

Apektado si Miriam Reginaldo sa COVID crisis. Wala raw raket sa modeling world.

“Yes po. Mula nang pandemic wala na events,” pakli niya nang maka-chat namin sa Instagram

Ano ginawa niya nu’ng pandemya?

“I try to stay at home lang as much as possible. Umaalis lang pag may essential na kailangang bilhin o gawin. Yes, malaking epekto sa lahat ng tao mayaman man o mahirap. Malaki talaga ang epekto ng crisis na ‘to sa ating lahat. Walang pinipili na hahawaan ang COVID-19, kaya dapat talaga lahat ng tao maging responsible at maging safe sa lahat ng gawin nila,” deklara niya.

Pero na-maintain pa rin ni Miriam ang kanyang kaseksihan.Ano ang sikreto?

“Actually hindi ko po alam malakas ako kumain hehe. Siguro it helps na lang din na i -drink ang green tea at least 3x a day,” aniya.

Meron ba siyang pinagkakaabalahang negosyo ngayong pandemya?

“Meron akong BRB cakes & pastries na business with my cousins. To buy directly from me you may contact thru @bakewithmiriam sa instagram and also sa facebook @BRBcakes&pastries by Miriam,” saad niya

Sino ang showbiz crush?

“My one and only ultimate crush si Ian Veneracion hahaha,” sambit ni Miriam.

“Ang lakas ng appeal n’ya even though may age na hindi tumatanda ang hitsura n’ya. I think he has a good personality on and off cam. Sobrang gwapo lalo na eyes and smile n’ya. Ha!ha!ha! Kinikilig ako,” lahad pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.