Abante Tonite Interactive

Miriam, mister ‘nagtikiman’ sa eroplano

0 473

Viral ngayon ang naging post ng dating beauty queen at TV host na si Miriam Quiambao na ibinahagi niya sa kanyang socmed account kaugnay ng challenge na ginawa nila ng kanyang mister.

Sa nasabing video, makikita si Miriam na hawak-hawak ang fresh milk niya katabi ang mister na may bitbit na baso na may yelo habang nasa loob ng eroplano patungong Indonesia.

Ayon sa mister ni Miriam (Ardy Roberto), hinamon daw siya ng kanyang anak (stepson ng aktres-beuty queen) na si Joshua para inumin ang gatas ng misis at bibigyan siya ng P5K.

Nagpaunlak naman siya sa hamon at kuwelang pati ang Miss Universe 1999 first runner-up ay tumikim din.

Huling naging usap-usapan si Miriam nang mapabalitang naging maselan ang kanyang pagbubuntis sa kanyang miracle boy na si Elijah. (Archie Liao)