Abante Tonite Interactive

Miriam unang babaeng pinarangalan ng Quezon Service Cross mula 1946

0 68

Ginawaran kahapon ng Quezon Service Cross award ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Miriam Defensor Santiago.

Si Santiago ang kauna-unahang babaeng tumanggap ng Quezon Service Cross mula noong 1946.

Ang nasabing parangal na may pinakamataas na civilian service award sa Pilipinas ay iginagawad sa mga Pilipino na sumailalim mismo sa nominasyon ng presidente at inaprubahan ng Kongreso.

Abante Hiring – IT dep

Ang nasabing seremonya ng paggawad sa yumaong senadora ay isinagawa sa Malacañang.

Una nang pinarangalan sina Emilio Aguinaldo, Carlos P. Romulo, Ramon Magsaysay, Benigno Aquino Jr. at Jesse Robredo.

Magugunitang naghain ng magkahiwalay na re­solusyon sina Senador Grace Poe at Senador Sonny Angara upang himukin si Pangulong Duterte na igawad kay Santiago ang parangal.

Ito ay bunsod na rin sa dedikasyong pinakita ng senadora sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng kanyang paninilbihan sa lahat ng sangay ng gobyerno.