Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis binaril sa ulo ng lasing

0 194

Dedbol ang isang 24-anyos na babae matapos siyang barilin sa ulo ng lasing niyang kapitbahay sa Candelaria, Quezon, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Edelyn Tacod, residente ng Sitio Tibanglan, Brgy. Malabanban Norte.

Batay sa report ng Candelaria Police, bandang alas-7:00 ng gabi, kamakalawa, nasa harapan ng bahay ng kanyang kapitbahay ang biktima nang dumating ang suspek na si Eduardo Lorzano na kapitbahay din niya.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang binaril ni Lorzano si Tacod na tinamaan sa noo.

Agad nasawi ang biktima samantalang mabilis na tumakas ang suspek.

Samantala, ayon kay P/SSg. Manolito Vitoriano, imbestigador ng kaso, batay sa testimonya ng mga nakasaksi, lasing ang suspek at ang nakainuman pa nito ay ang mister ng biktima.

Wala naman ang mister sa lugar nang mangyari ang pamamaril.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang Candelaria Police para sa ikadarakip ni Lorzano. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.