Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis, Cameroonian student huli ni mister sa hotel

0 127

Ipinakulong ng mister ang kaniyang kolehiyalang misis makaraang maaktuhang pumasok sa isang hotel sa Quezon City kasama umano ang kalaguyo nitong Cameroonian, kamakalawa.

Ayon sa Quezon City Police District, alas-kwatro ng hapon nang mahuli ni Arnel Ayonting, 30, Lalamove driver, ang kanyang misis na si Ana at si Arsene Saounde Nguimpi, 30, isa ring college student, na nag-check-in sa FLIX Hotel sa Quirino Highway Brgy. Greater Lagro.

Aniya, naghinala na siya dahil sa kakaibang ikinikilos ni Ana kaya naman sinundan niya ito hanggang makita ang dalawa sa hotel. Nagpatulong ito sa mga awtoridad na rumesponde sa lugar at nakipag-uganayan sa hotel para mahuli sina Ana at Nguimpi.

Nireklamo ni Ayonting ang misis ng kasong adultery. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.