Abante Tonite Interactive

Misis cybersex slave ng Sri Lanka

489

Ni-live stream para pagkakitaan

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Sri Lankan­ national nang ireklamo ng Pinay nitong asawa na ginawa niyang ‘cyber sex slave’ sa loob ng pitong buwan sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Hindi na umano natiis ng ginang na hindi binanggit ang pangalan, ang ginagawa ng dayuhang mister nang maging ang kanyang anak na babae sa unang relasyon ay sinimulan na rin nitong molestiyahin kaya pinadampot nito sa NBI ang mister kamakalawa nang gabi.

Lumitaw na inaabuso ng suspek ang kabiyak at ibinebenta sa dayuhan ang ginagawang kahalayan sa babae na ni-livestream pa nito para pagkakitaan.

Inamin naman ng dayuhan ang pang-aabuso dahil sa kawalan ng pera.

Nang tanungin ni Special Agent Ronald Aguto, hepe ng NBI Interpol kung bakit ginawa ito ng dayuhan sa kabiyak at stepdaughter, sinabi nito na ”It’s because we don’t have any option, I don’t have money.”

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 or Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004, at Cybercrime Prevention Act of 2012 ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)