Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis ginilitan sa harap ng mga anak

0 200

Patay ang isang ginang nang gilitan ng kanyang mister sa harap ng kanilang mga anak Miyerkules ng gabi sa Cauayan, Negros Occidental.

Naisugod pa sa pagamutan subalit di na naisalba pa si Precilla Mediona, 50. Patuloy namang pinaghahanap ang mister nitong si Eduardo Medina, 58, na agad tumakas.

Sa imbestigasyon ni Staff Sgt. Cyrus Maguiling, ng Cauayan Municipal Police Station, naganap ang insidente Miyerkules ng gabi sa bahay ng pamilya Mandion sa Purok 1, Barangay Yao Yao.

SM food to go Banner Ad

Nauna rito, dumating ang biktima sa kanilang lugar bago mag-Pasko mula sa 2-taong pagtatrabaho sa Maynila subalit palagi silang nag-aaway ng mister nang makitang hindi pa tapos ang ipinapagawang bahay sa kabila ng regular niyang pagpapadala tuwing sahod.

Dahil dito ay pansamantalang tumira ang ginang sa isa sa kanyang anak.

Nitong Enero 13, umuwi ang ginang sa kanilang bahay subalit muli silang nagtalo ng mister dahil tinatanong ng una kung saan napunta ang pinapadala niyang pera.

Sa gitna ng pagtatalo ay nilaslas ng mister ang leeg ng asawa sa harap ng maliliit nilang anak. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.