Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis inasinta sa noo, dedo

0 90

Patay ang isang ginang nang barilin sa noo ng dalawang di kilalang lalaki habang naglalakad sa isang eskinita sa Antipolo City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa Antipolo District Hospital ang biktimang si Maricar Turla, ng Brgy. San Isidro, Antipolo.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Antipolo City Police na alas-8:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang eskinita malapit sa basketball court sa Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro.

Naglalakad sa lugar ang biktima nang lapitan ng dalawang suspek at walang sabi-sabing binaril sa noo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay kaswal lamang na naglakad palayo sa lugar ang mga suspek, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Naisugod pa sa ospital ng mga nakasaksi sa insidente ang ginang subalit idineklara na siyang dead on arrival.

Iniimbestigahan pa ang insidente habang tinutugis ang mga salarin. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.