Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis, kabit buking ni mister

0 38

Ipinakulong ni mister ang kanyang misis at kalaguyo nito matapos maaktuhang nagtatalik sa kanilang sariling kuwarto sa Magsingal, Ilocos Sur nitong Martes.

Sa ulat ng Magsingal Police Station (MPS), ayon sa testimonya ni Ernest, hindi tunay na pangalan, umalis siya ng kanilang bahay upang mangisda sa isang ilog. Madaling-araw aniya siya lagi umaalis para mangisda.

Ngunit bigla raw siyang kinutuban kaya bumalik siya ng bahay at doon na niya naabutan ang kanyang misis sa itinago sa pangalang Alma na nasa aktong nagtatalik kasama ang diumano’y kabit nitong si alyas Edward na kapitbahay nila.

“Umalis po ako ng madaling-araw upang mangisda ngunit bigla akong kinutuban kaya bumalik ako nang palihim sa aming bahay at doon ko nadatnan ang misis ko at si Edward na nag-ii*otan,” ayon sa mister.

SM food to go Banner Ad

Sa galit, sinuntok ni Ernest si Edward at tumawag ng pulis para ipaaresto ang dalawa na parehong nakahubad pa umano.

Sa kulungan ng MPS, tumangging magsalita ang kapitbahay habang itinanggi naman ng misis ang paratang ng kanyang asawa pero inaming nanliligaw sa kanya si Edward.

Desidido naman si Ernest na kasuhan ng adultery sina Alma at Edward. (Allan Bergonia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.