Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis, kabit nabisto ni mister

0 85

Himas-rehas ngayon ang isang misis at kanyang kalaguyo matapos silang maaktuhang nagtatalik sa loob ng isang kuwarto sa Brgy. Marabulig, Cauayan City, Isabela, ayon sa Isabela Provincial Police Office (IPPO).

Ayon sa IPPO, kinilala lamang ang misis na si Isabel (hindi tunay na pangalan), 20-anyos, at kalaguyo niyang itinago sa pangalang ‘Mario’, parehong residente ng nasabing barangay.

Sa report ng Caua­yan City Police Station (CCPS), sa testimonya ni ‘Alex’ (hindi tunay na pangalan), asawa ni Isabel, matagal na umano siyang may kutob na may kalaguyo ang kanyang misis dahil palagi itong lumalabas ng bahay na hindi nagpapaalam.

Sa sikretong pagmamanman ni Alex, naaktuhan umano niyang nagtatalik sina Isabel at Mario sa boarding house na nirerentahan ng kabit sa Purok 2, Brgy. Marabulig.

Dito, pasikretong pumunta si Alex sa CCPS upang isumbong ang nasabing insidente.

Rumesponde ang pulis­ya kasama ang mister at naaktuhang nasa ibabaw pa si Isabel kay Mario habang parehong hubo’t hubad.

Agad dinala ang magkalaguyo sa CCPS at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa kanila. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.