Abante Tonite Interactive

Misis, kabit pinakulong ng pinagtaksilang OFW

633

Himas-rehas ang isang magdyowa matapos na ang mga ito ay ipakalaboso ng OFW na iniwan ng nasabing mi­sis sa Mauban, Quezon.

Mahimbing pang natutulog sa pugad ng kanilang bawal na pag-ibig ang mag-live-in na sina Lora Lee, 28-anyos, at Jay Vee, 28, sa Sitio Central, Brgy. Sadsaran, nang dumating ang mga aarestong pulis dakong alas-singko nang madaling-araw.

Ang dalawa ay ina­resto dahil sa reklamo ng legal husband ni Lora na si Roldan Caparros, 35.

Batay sa reklamo ng biktima sa himpilan ng pulisya, nabalitaan umano niya na mahigit isang taon nang nagsasama ang dalawa sa iisang bubong simula pa lamang noong unang buwan na umalis siya patungo sa ibang bansa para magtrabaho bilang OFW.

Nalaman niya ang pangyayari mula sa pagbabalita sa kanya ng kanyang mga kaanak.

Pero nito lamang umuwi sa Pilipinas napatunayan ng biktima ang masaklap na balita.

Nakakulong na ngayon ang dalawa sa Mauban police station locked cell at iniha­handa na ang kasong adultery laban sa mga ito.

(Ronilo Dagos)