Abante Tonite Interactive

Misis kinatay ni mister bago nag-suicide

By
1,047

Nagpatiwakal sa pamamagitan ng ­pagsasaksak sa sarili ang isang lalaki makaraang patayin din sa saksak ang kanyang ­kinakasamang babae matapos silang mag-away sa tinitirhang condominium kahapon sa Taguig City.

Hindi mabilang na tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ni Joanna Tracy, 30-anyos, nakatira sa Unit 2102 Ivory Tower, Rosewood Pointee, Acacia Estate, Brgy. Ususan ng nasabing lungsod.

Habang natagpuang wala na ring buhay ang suspek na si Rhandolf Sabares, nasa hustong gulang, tubong-Pangasinan matapos nitong pagsasaksakin ang sarili.

Abante Hiring – IT dep

Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, dakong alas-2:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa condominium na tinitirhan ng biktima.

Bago ang trahedya, ayon sa kasambahay na si Gie Viray Malinao ay sinundo ni Tracy ang suspek sa tinitirhan nito sa Pangasinan na may apat na araw na ang nakakalipas.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at sinabihan ng biktima ang suspek na umuwi na ito sa kanila.

Dahil dito ay nairita ang lalaki at kinuha ang isang patalim at walang salitang pinagsasaksak ang biktima na na­ging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Matapos isagawa ang pagpatay sa kinakasama ay tumakbo ito sa basement ng naturang condominium at dito niya naman pinagsasaksak ang sarili ng hawak nitong patalim hanggang sa nilagutan din ito ng hininga.

Inaalam pa rin ang iba pang dahilan ng nangyaring insidente.