Abante Tonite Interactive

Misis kumabit sa binatang driver

828

Himas-rehas ngayon ang isang mag-dyowa matapos na ang mga ito ay ipaaresto ng tunay na asawa ng babae sa Biñan City, Laguna kamakalawa.

Matapos makumpirma sa kanilang anak na magkasama na sa iisang bahay sa Biñan City ang kanyang misis at ang lalaki nito, agad nagsumbong sa pulisya ang mister na si Erwin Clanot y Atienza, 41-anyos, residente ng Brgy. Malabanban, Candelaria, Quezon.

Agad namang ina­resto ng mga pulis kamakalawa nang umaga ang mag-live in na sina Jenny Clanot y Lumanglas, 39-anyos, isang factory worker at ang kinakasama nitong binatang driver na si Benedict Escalera y Castillano, 33, sa inuupahang apartment ng mga ito sa Brgy. Ganado Biñan City.

Napag-alaman ng pulisya na nagsasama na ang dsalawa mula pa noong nakaraang Enero.

Inihahanda na ngayon ang kasong adultery at concubinage laban sa mga ito. (Ronilo Dagos)