Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis, lover na pulis huli sa motel ni mister

0 431

Nahaharap sa kasong adultery ang isang misis at ang kalaguyo nitong pulis matapos maaktuhan ng mister ng babae sa isang motel sa Lucena City Biyernes ng hapon.

Kinilala ng Lucena police ang misis na si Chelo at ang umano’y karelasyon nitong si PCPL Ronald Mayo, nakatalaga sa Quezon PNP Provincial Health Service Unit na nakabase sa Camp Nakar, Lucena City.

Ayon sa report, natunton ng mister ang misis sa bisinidad ng Hotel 101 sa Barangay Bocohan, Lucena dahil sa GPS tracking device na lingid sa kaalaman ng misis ay nai-set ng mister nang umalis ito.

Nang katukin ng mister ang kuwarto, bumulaga ang dalawa sa loob kung saan nakatapis lamang ng tuwalya ang pulis samantalang hubot hubad ang babae.

Tumawag ng pulis ang mister at naaresto ang kanyang misis samantalang nakatakbo ang kalaguyong pulis. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.