Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis minanyak ng nakitulog na katrabaho ni mister

0 136

Swak sa piitan ang 37-anyos na construction worker na nakitulog lamang sa bahay ng kasamahan sa trabaho matapos na gapangin at hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng misis nito sa Quezon City, ayon sa ulat.

Agad namang naaresto ang suspek na si Garry Sario Ragos, 37-anyos, walang asawa, construction worker, at residente ng No. 025 Dulong Tangke, Brgy. Molinta, Valenzuela City.

Batay sa naantalang report sa Galas Police Station (PS-11), alas-9:00 ng gabi noong September 26, mahimbing na natutulog sa kama ang 34-anyos na ginang na itinago sa pa­ngalang ‘Tin-Tin’,habang ang mister naman nito at ang nakitulog na suspek ay parehong nasa sahig.

Pero nagising si Tin-Tin nang maramdamang may humihimas sa maselang bahagi ng kanyang katawan hanggang ipasok umano ng suspek ang daliri sa kanyang ka­selanan.

Napabalikwas si Tin-Tin pero agad na pinagbantaan ng suspek na sasaktan kapag mag-iingay, gayunman ay nagsisigaw pa rin ang ginang kaya kumaripas na lamang ng takbo ang katrabaho ng mister na noon ay tulog pa rin.

Habang papatakas ay nasalubong ng suspek si Ryan Hilvano, 29, binata, construction worker na hahara-hara sa kanyang daraanan kaya hinalihaw niya ito ng saksak ng kutsilyo.

Dahil dito ay hinabol ni Hilvano si Ragos na nagkataon namang may nasalubong silang mga nagpapatrulyang mga pulis kaya nakorner ang suspek at nakumpiska ang hawak nitong kutsil­yo.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-rape law) at Frustraded Homicide laban sa suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.