Abante Tonite Interactive

Misis minartilyo, ari pinasakan ng PVC

By
2,760

Brutal na kamata­yan ang sinapit ng isang 47-anyos na babae sa kamay ng kanyang se­losong asawa matapos paluin ng martilyo sa ulo at pagsasaksakin bago pinasakan pa ng PVC pipe sa kanyang ari, kamakalawa ng hapon sa Taytay, Rizal.

Wala nang buhay at nasa kalunos-lunos na situwasyon ng madatnan ng mga rumes­pondeng bara­ngay tanod ang biktima na nakilalang si Julie Dingli sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Lupang Mitra, Barangay Sta. Ana ng nasabing bayan.

Samantala, naaresto sa follow-up operation ng Taytay Police ang suspek na si Jesus Gadil na isang tricycle driver.
Sa ulat na isinumite ni Chief Supt. Guilermo Eleazar, police regional director ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong ala-una nang hapon ng magtalo ang dalawa sa loob ng kanilang bahay dahil nagseselos ang suspek nang makita umano na may kausap na lalaki ang biktima.

Abante Hiring – IT dep

Maya-maya ay narinig ng mga kapitbahay ang kaguluhan sa loob ng kanilang bahay at ang paghingi ng tulong ng biktima dahil papatayin umano siya ng kinakasama.

Dahil dito ay agad na humingi ng tulong ang ilang nagmalasakit na kapitbahay sa barangay tanod na rumesponde makalipas ang ilang minuto pero nang pasukin na ang bahay ay laking gulat nila ng makitang patay na ang biktima.
Putok ang ulo ng biktima habang may ilang saksak din ng kutsilyo sa katawan nito at nakasaksak pa sa kanyang ari ang isang PVC pipe.

Papatakas na sana ang suspek sa kanilang lugar pero naaresto siya ng mga pulis at nakakulong ngayon sa Taytay Municipal Police Station.