Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis na bagong panganak himas-rehas

0 135

Tatlo katao, kabilang ang isang mister at kanyang misis na bagong panganak ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Paombong, Bulacan Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulis Paombong ang mga naarestong sina Asalan Madaya alyas Datu, 47-anyos, at asawa nitong si Bella Sumpigan, na kasisilang pa lang ng sanggol, 39, kapwa nakatira sa Quiapo, San Miguel, Maynila; at Charles Pineda alyas Oma, 40, ng Brgy. Abulalas, Hagonoy.

Alas-10:00 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon ang Paombong PNP-Station Drug Enforcement Unit na may magaganap na drug transaction sa Purok 1, Brgy. Sto. Niño, Paombong kung saan sangkot ang tatlong suspek kaya kaagad silang nagkasa ng buy-bust.

Nang iabot na ni Pineda ang droga mula sa mag-asawa ay kaagad silang inaresto. Nakuha sa kanilang posesyon ang 10 pakete ng shabu at buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong pag­labag sa RA 9165 habang ipinasailalim din sila sa drug test. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.